In Reverie
“Sometimes we get sad about things and we don’t like to tell other people that we are sad about them. We like to keep it a secret. Or sometimes, we are sad but we really don’t know why we are sad, so we say we aren’t sad but we really are.”
‘Eto nanaman yung isa sa mga oras na gusto mong isigaw ang lahat nang nararamdaman mo sa kaloob-looban mo..
Mga nararamdamang hindi kayang intindihin ninuman.. na kahit ulit-ulitin mo, ipinta mo man ito sa pader, gawan mo man ng tula’t sonata ay wala paring makakaintindi..
Pero bakit pa ako gumagawa nang isang tulad nito?
Hindi ko din alam.
Ang alam ko lang kasi ang bigat bigat na n’ya, kailangan nang pakawalan.
Hindi n’ya alam. Hindi n’ya malalaman.
Hindi n’ya malalaman na tungkol ito sa kanya.
Na sa bawat pakubling pagtangis ng kanyang puso sa kawalan ay narito ang sakin,
sinasabayan ang bawat lyriko ng kanyang pag-iyak..
Sumasabay nang hindi n’ya nalalaman.
Pero hanggang kailan kaya ito?
Ang tanging tanong na naiiwan lagi, o maaaring maiiwan nalang
hanggang malimot na ang lahat lahat..
Kaligayahan.
Kaligayahan na katumbas na kahulugan ay kalungkutan.
Kahulugan na sa abang mundo ko lang namumuhay.
Pero sabi ko lang ‘yun. Mga salitang walang kahulugan.
Sa iba, at maaaring sa’yo.
Panahon.
Hindi nila alam ang nararamdaman ko. (may naalala tuloy ako :))
Hindi nila alam. Hindi niya alam.
Maging ang paghintay ko sa bawat n’yang pag-ngiti.
Ang pagtawa at kaligayahang puro.
Walang kaabog-abog na kasiyahan.
Madalang lang ‘yon. Alam ko kasing pakitang tao lang ang karamihan
sa mga pinapakawalan n’yang ngiti.
Naiintindihan ko s’ya. Naiintindihan ko maging ang pinagdadaanan n’ya.
Pero kasabay nang lahat ng ito.. Hanggang pagintindi nalang ang kaya ko.
May napakataas na pader kasi sa gitna. Gawa sa pinakamatibay na bagay na di ko kayang siraan.
Di ko kayang akyatin ni talunan..
Wala akong history sa paglaro ng luksong-baka. Ni paglaro ng Super Mario.
Buntong-hininga.
Bigla bigla, gusto ko tuloy tumakbo sa isang fun-run..
parang ganun kasi ung nararamdaman ko ngayon..
Na kahit alam kong lampa ako, tatakbo parin ako kahit abutin pa ng siyam-siyam..
Na kahit may nakatayo na sa finish line..
tatakbo parin ako, kahit gaano katagal matapos.
Hindi naman sa kung sino ang nauna diba?
Asa kung sino ang determinadong naghintay at nakatapos.
Pero sabi ko lang uli un.
Ang mahalaga eh yung saya na naramdaman mo habang tumatakbo ka..
Tulad ng isang marathon, alam kong oras lang din ang kalaban ko..
Panahon kumbaga.
Maghihintay ba akong malaman nila.
Maghihintay ba akong malaman niya.
That moment where they found out that no matter how sure you are of something, the universe still can choose to spit in your face and make you feel like the dumbest person on earth for having hope and a positive outlook. That moment when you realize that love isn’t always enough and where reality shatters everything that once seemed so real.
1 note / March 29, 2011